Sunday, January 3, 2010

Ang Shanghai ni Baby Girl

Sa kinatagalan ko dito sa Saudi marami na akong na meet na mga baklang character talaga! Paiba iba ang mga ugali ng mga senior Actresses ng Al Khobar. May mga nababaliw sa lalaki. May palautang at estafadora, dorogista, faripa at may mga masyadong Pa-Girl. Nakakalokah da vah? Di carry ng powers ko ang mga drama nila.

Isa na dito si Baby Girl. Actually, matanda na si Baby Girl pero Baby Girl and tawag sa kanya ng mga bakla sa Dammam at Al Khobar. Iba ang drama ni Baby Girl sa buhay dahil nabubuhay lang ang lola ninyo sa lalaki. Ang lola ninyo at nasa magandang company noon, at nagtatrabaho as Administration Department. However, may pagkabobita ang lola ninyo kaya na tsugi sa company. So nilakad ito ng mga kaibigan din niyang mga senior actresses ng Al Khobar na makapasok sa isang medium sized company. Ayon, ang lola ninyo, hindi binayad ang sweldo ng isang itik. So ayon, na tsugi naman siya. So walang choice ang lola ninyo kundi maghanap ng trabaho. Ayon, may release naman ang Baby Girl pero ang pinili ay ang company na nagpapasahod lang ng 1,200 SR without housing at without transport allowance. So ngayon, ang Baby Girl at dukha na talaga.

Ayon na nga, kung sinong dukha siya pa ang mahilig mag alaga ng lalaki. Alam ninyo ba na ang lola ninyo ay nag aalaga ng lalaking mas malaki pang sweldo kesa sa kanya? Ayon, cycle na lang palagi ang pinagda daanan ni Baby Girl. Utang dito, utang diyan at magkabilaan. So since wala namang pera ang lola ninyo, ayon, nagpapataya na lang ng lottery. Paminsan minsan, nanghihingi ito ng pera sa kanyang mga kaibigan na mga senior actresses ng Al Khobar. There was a time pa din na itong Baby Girl na ito ay nagpapa alaga na lang at namamalimus sa mga barberong bakla sa Dammam. Kalorkeh di vah? Kasi nga magkano lang naman ang income ng barber. In fact, nagpapa karat na nga lang ang mga baklang barber na ito para maka bigay lang ng boundary sa kanilang mga kafil. Tapos, si Baby Girl palamunin pa nila!

Anyways, noong Christmas nga, naki celebrate si Baby Girl sa isa kong kakilala sa Al Khobar. Kasi nga emote emotan itong si bakla dahil sa ibang friends naki celebrate ang kanyang jowa. Eh kung ako din naman ang lalaki, ayaw kong maki celebrate sa kanya dahil wala kaya siyang handa at walang alak. Naturalmente, itong si utuko, doon naki celebrate sa mga kabarkada niyang may handaan anoh.

So iyon na nga, doon siya naki celebrate kay factory worker na kaibigan niya sa Al Khobar. So sabi naman nitong Baby Girl na siya ang sponsor ng Lumpiang Shanghai. Nalokah na lang itong si Factory worker kasi giniling na karne lang ang dala ni Baby Girl. You need carrots pa kaya sa lumpiang shanghai. So walang choice itong si Factory worker kundi siya pa ang bumili ng lumpia wrapper at carrots. At malolokah pa talaga kayo kasi nanghingi pa ito ng pamasahe pauwi ng Dammam.

No comments: