Sunday, January 3, 2010

Gumiling Giling si Kuya

Nalolokah talaga ako noong New Year. So the celebration was at the haws of isang common friend ko na pamintang durug din. Well, ayon na nga, may mga invitees pala itong si Paul or Paola Mae Gutierrez sa gabi na mga factory workers sa isang factory ng mga pako sa Khalidiyah. So alam na ninyo mga sunog baga talaga itong mga factory worker na ito. Sila din yong mga nakakaluka dahil nga simple living nga lang sila at super TCN talaga ang mga porma.

Sa mga hindi alam kung ano ang TCN. Well, ito yong tawag ng mga taga Aramco sa ating lahat na mga taga third world country. TCN means, Third Country Nationals. Pero ang mga bisita naman ni Paola Mae Gutierrez ay nag I imbibe talaga ng pagka TCN. Long hair, naka shorts na maluwang, naka tsinelas lang na Spartan, ang jacket oversized, nakabaliktad ang bull caps, ang iba may mga julahas pa at higit sa lahat mga hindi ka gwapohan. In short, ka cheapan. Hindi sila type ng Kuya ninyo at ang Kuya ninyo naman ay magaling pomorma. May matching accessories pa ang Kuya ninyo pag pomorma para naman maka kuha ng gwapong kabayan a hehehehhe…

Yon na nga, nang dumating ako.. as always, super late ako palagi.. alam ninyo na .. dramatic entrance talaga ang drama ko palagi. Pagdating ko sa party pakanta kanta pa lang ang mga kabayan. Behave pa rin sila kasi hindi pa masyadong naka inum. Noong mga alas onse na ng gabi ayon na.. lasing na ang lahat. May nagpaparamdam na sa akin na type daw ako. Sabi ko naman.. as in pag pangit deny to death ang Kuya ninyo na badingersey siya anoh. Sabi ko, “Kuya, nagkakamali po kayo, lalaki po ako.” So enjoy lang ako sa party kasi kantahan nga ng kantahan. So kanta pa nga ako ng mga Jed Madela songs kasi nga kasing ganda kami ni Jed Madela ng boses. Ahehehe.. as if!

Anyways, may mga limang TCN lang naman ang bisita ni Paola. Sa kalasingan nila, nakatulog na ang 4 ng mag aalas dose na. Isa na lang ang naiwan yong si Marlboro (Kasi pang sigarilyo ang pangalan niya) na lang ang naiwan at super ingay ito. Ayon, taga Binangonan Rizal daw sya. Well, although may 3 pa namang bisita doon si Paola Mae Gutierrez na puro din mga pamintuan, ako talaga ang ginusto niyang landiin. So super hawak ang Malboro sa kamay ng Kuya ninyo. Sabi ko “Walang ganyanan, Pre.” Pero hinayaan ko na lang siya kung ano ang kanyang kaligayahan. Total kako New Year naman anoh. So go with the flow lang ang kuya ninyo kahit na sinasabi na niyang crush nya daw ako. Ang kalokah, hindi ko talaga siya crush. Buti sana kung kasing gwapo sya ng kuya doon sa Kudu eh sige papatulan ko na lang siya. Pero may taste pa naman ako.

Sa mga wee hours of the morning na.. like mga 2:30 AM.. super lasing na si Marlboro. Aba everytime kumanta ako sa video-K, sumayaw sayaw at gumigiling giling na ito. Kasi nga nag confess to all mighty God din sya na dancer sya sa club sa Rizal noon. Well okay naman performance niya kung tutuosin pero turn off, ang itim na pwet! Wala din akong nakitang bukol. Hay sabi ko nga, kabayan naman kasi.

Ayon inumaga na ako ng uwi like mga 5AM na yata at nakatulog na lang si Marlboro. Enjoy naman ang New Year ko kahit papano. At least nakasaksi pa ako ng show!

Ang Shanghai ni Baby Girl

Sa kinatagalan ko dito sa Saudi marami na akong na meet na mga baklang character talaga! Paiba iba ang mga ugali ng mga senior Actresses ng Al Khobar. May mga nababaliw sa lalaki. May palautang at estafadora, dorogista, faripa at may mga masyadong Pa-Girl. Nakakalokah da vah? Di carry ng powers ko ang mga drama nila.

Isa na dito si Baby Girl. Actually, matanda na si Baby Girl pero Baby Girl and tawag sa kanya ng mga bakla sa Dammam at Al Khobar. Iba ang drama ni Baby Girl sa buhay dahil nabubuhay lang ang lola ninyo sa lalaki. Ang lola ninyo at nasa magandang company noon, at nagtatrabaho as Administration Department. However, may pagkabobita ang lola ninyo kaya na tsugi sa company. So nilakad ito ng mga kaibigan din niyang mga senior actresses ng Al Khobar na makapasok sa isang medium sized company. Ayon, ang lola ninyo, hindi binayad ang sweldo ng isang itik. So ayon, na tsugi naman siya. So walang choice ang lola ninyo kundi maghanap ng trabaho. Ayon, may release naman ang Baby Girl pero ang pinili ay ang company na nagpapasahod lang ng 1,200 SR without housing at without transport allowance. So ngayon, ang Baby Girl at dukha na talaga.

Ayon na nga, kung sinong dukha siya pa ang mahilig mag alaga ng lalaki. Alam ninyo ba na ang lola ninyo ay nag aalaga ng lalaking mas malaki pang sweldo kesa sa kanya? Ayon, cycle na lang palagi ang pinagda daanan ni Baby Girl. Utang dito, utang diyan at magkabilaan. So since wala namang pera ang lola ninyo, ayon, nagpapataya na lang ng lottery. Paminsan minsan, nanghihingi ito ng pera sa kanyang mga kaibigan na mga senior actresses ng Al Khobar. There was a time pa din na itong Baby Girl na ito ay nagpapa alaga na lang at namamalimus sa mga barberong bakla sa Dammam. Kalorkeh di vah? Kasi nga magkano lang naman ang income ng barber. In fact, nagpapa karat na nga lang ang mga baklang barber na ito para maka bigay lang ng boundary sa kanilang mga kafil. Tapos, si Baby Girl palamunin pa nila!

Anyways, noong Christmas nga, naki celebrate si Baby Girl sa isa kong kakilala sa Al Khobar. Kasi nga emote emotan itong si bakla dahil sa ibang friends naki celebrate ang kanyang jowa. Eh kung ako din naman ang lalaki, ayaw kong maki celebrate sa kanya dahil wala kaya siyang handa at walang alak. Naturalmente, itong si utuko, doon naki celebrate sa mga kabarkada niyang may handaan anoh.

So iyon na nga, doon siya naki celebrate kay factory worker na kaibigan niya sa Al Khobar. So sabi naman nitong Baby Girl na siya ang sponsor ng Lumpiang Shanghai. Nalokah na lang itong si Factory worker kasi giniling na karne lang ang dala ni Baby Girl. You need carrots pa kaya sa lumpiang shanghai. So walang choice itong si Factory worker kundi siya pa ang bumili ng lumpia wrapper at carrots. At malolokah pa talaga kayo kasi nanghingi pa ito ng pamasahe pauwi ng Dammam.